Paggunita sa Araw ni Rizal
Sa kanyang mga salita’t gawa, kanyang ipinamalas ang buong pusong pagmamahal para sa’ting bayan.
Kaya’t ating gunitain ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa ika-128 anibersaryo ng kanyang pagkamatay, ipakita ang kahalagahan ng bayanihan at pagmamahal sa kapwa Pilipino di lamang sa panahon ng kalamidad o krisis, kundi sa pangaraw-araw na buhay ng bawat isa.
Tulad ng kanyang winika, “Ang Pilipino ay may malasakit na hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa buong bayan”.
Pagbibigay-pugay sa ating pambansang bayani ngayong Rizal Day (Disyembre 30).